sa hinaharap..

paano nagsimula ang lahat ng ito?

kailan nagsimulang umikot ang kapalaran?

siguro ‘di na natin ‘to malalaman,

siguro ‘di na rin masasagot ang mga katanungan.

nabubuhay tayo sa mundong walang katiyakan,

‘di natin alam ang mangyayari kinabukasan.

‘di na kayang siguraduhin ng kahit sino man,

ang hinaharap, walang nakakaalam.

ang iba’y natatakot,  ang iba’y matatapang,

ang iba’y nangangarap, at iba’y walang pakialam.

pikit-matang susuungin ang kahit na ano,

mahanap lang ang kasagutan na tunay at totoo.

kahit na ano pa man ang darating sa hinaharap,

tanggalin ang takot dahil tapang ang nararapat.

huwag ng isipin pa at mag-alinlangan,

unti-unting tuparin ang pangarap na pinanghahawakan.


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: